Tuesday, October 16, 2007

Kinauuhawan Kita


O Panginoon, kinauuhawan Kita

Banal Mong salita

Kalusugan sa araw-araw.



Sino ang makahihigit sa 'Yo?

Sino ang makapipigil sa iyong kalooban?

Sino ang makapagsasabing nagkamali Ka?

Wala Panginoon.

Walang katulad Mo!

Lahat ng nangyayari,

Ikaw ang nagtakda.

Kaya't ako'y magpupuri.

magpapakumbaba

Ako'y mag-aalay ng aking buhay

Bilang banal Mong tahanan

Manahan Ka Panginoon.

Manahan Ka sa aking buhay.

Gawin Mo itong luklukan

ng Iyong wagas na pagsinta.

Ibuhos ang Iyong presensya

Ibuhos ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

Ikaw ang nais at hanap ng puso ko.

Ikaw rin ang tanging kailangan ko.

O Panginoon, kinauuhawan Kita.


No comments: